Browse Month by May 2013
Uncategorized

Paano Gumawa ng Sariling GoSakto Promo

Sa GoSakto on the go, ikaw ay panalo!

Sa wakas, ipinakilala na rin ng Globe Telecom ang isa sa pinakabago nilang breakthroughs pagdating sa prepaid service. At sigurado ako na papatok ito sa ating masa, lalo na sa ating mga suking prepaid subscribers na nagkakaroon ng problema magsaulo ng iba’t ibang codes.

Ang GoSakto ay isang napakagandang ideya na tiyak ay makatutulong nang malaki sa ating mobile users sapagkat ‘di lamang mapapagaan ang kanilang buhay, ay mabibigyan pa sila ng kapangyarihang gumawa ng kanilang sariling promo na sakto sa kanilang personal na pangangailangan at swak na swak pa sa kanilang budget.

‘Di na kailangang alalahanin ang masasayang na load dala ng mga limitadong promos, sa GoSakto, ikaw mismo ang may hawak sa dami at haba ng serbisyong iyong matatanggap. Hanep, ‘di ba?! At kung hindi ka pa bilib, bakit hindi mo subukang tantyahin ang magagastos mo sa loob ng isang buwan gamit angGoSakto Data Calculator upang malaman mong ika’y nakatipid.

Madali lang mag- avail ng GoSakto; nasaan ka man o kung anong oras mo nais pakinabangan, pwede!

At may tatlong paraan para gawin ito: maaaring sa website mismo ng Globe, saFacebook appnito o kaya naman ay diretso mula sa iyong mobile phone.

Halimbawa: Unlicalls to Globe/ TM, 50 texts to all networks, 20 MB browsing for P24.00 – 1 day
Panuorin ang inilaang video para sa nasabing promo. Panoorin ang simpleng instruksyon upang ‘di magkamali sa pag- avail ng nais na promo.